♫♫♫♫♫
Dumating ang kalungkutan
sa buhay kong ito
Nawalan na ng panlasa
sa mga bagay na gusto
Aking enerhiya bigla
na lang nagbago
Ako ay binisita ng malungkot
na mundo
'Di ko inakala (Inakala)
Wala ka na pala agad na pumatak
ang luha nu'ng nalaman
Sabi mo sa akin magaling ka na,
wala nang karamdaman
Daya mo naman, lumisan ka,
'di man lang nakapagpaalam
Daming kasalanan,
dami kong hiningi pero ni minsan
'di pa 'ko nakakahingi
ng tawad (Ng tawad)
Kinamumuhian ko aking sarili
Panahon ay lumilipas
'di ko man lang 'yun naisip
Lahat ay lumilisan,
kahit na ipilit
Kahit na gustuhin na
permanenteng manatili
Ako'y nangungulila,
'di ko na mapigil
Kadalasan marami ka pang
gustong sabihin
Kaso lang kamatayan
ang nagpapatahimik
Sa panaginip na lang nakikita
Naglalaho rin agad tuwing
gigising na
Tinutulog ko ulit
kasi nabitin pa
'Di ko na alam paano sisigla
Matagal ko na rin 'tong iniinda
Sino kaya ang makapagliligtas?
'Di na babalik pero hinihintay
Ngayon pumapasok
sa aking isipan
Para 'kong tanga,
saka ko hinahanap kung
kailan pa na wala
Kung bigyan ng panahon,
bibihira talaga
Ang palagi niyang tanong,
"bibisita ka pa ba?"
'Di ko man lang masagot,
busy ako tabala
Mas inuna ko pa 'yung usok
galing sa palara
Mga aral na tinuro mo,
palagi kong dala
Mawala ka man sa mundo,
sa 'king puso
'di maaaring mawala
Dumating ang kalungkutan
sa buhay kong ito
Nawalan na ng panlasa
sa mga bagay na gusto
Aking enerhiya bigla na lang
nagbago
Ako ay binisita ng
malungkot na mundo
Ang buhay ng tao ay napakahalaga
Masanay na tayo
na sa buhay'y mag-isa
H'wag ka nang magtaka,
lahat 'yan ay mabubura
Walang mananatili
sa atin na masaya
Walang tao na maaaring
makapagdikta ng kaparalan
Walang tao na maaaring
'di makakita ng kalungkutan
Pa'no ko ba lalagpasan
ang mga ito
Kung parati na lang
nasa loob ng kwarto?
'Di ako lumalabas, binabanas,
bumubulong si Satanas
Ako ay tinatanong kung
nais ko bang alisan
ang lahat ng ito
Wakasan ang buhay kong magulo
Lisanin ang mundong nakakalito
Maling paraan ang mabisa nga lang
ay wala nang balikan ito
'Di mo na dapat ibabad sa isip,
masyadong makitid,
wala sa bilibid
Palitan ng kawal
ang dating sinulid
Ika'y makinig at
ikaw ay manalig
Hindi Siya kalaban,
aking kapatid
Sa bawat sigaw,
Siya lang ang nakinig
Dumating ang kalungkutan
sa buhay kong ito
Nawalan na ng panlasa
sa mga bagay na gusto
Aking enerhiya
bigla na lang nagbago
Ako ay binisita
ng malungkot na mundo
Dalawang taon mo din
akong sinubukan
Mga ilang tanong, ah basta
Hindi ko mabilang
Habang bumubulong,
dinig ko ang patak ng ulan
sa bubong ng bilangguan
Dikit-dikit, maalinsangan,
at puno ng kalungkutan
Ngunit pa'no ko nga ba 'to
nilabanan?
Unang gabi ang pinakamatinding
kalaban
Ako mismo 'di ko kinaya,
ginusto ko na mawala
subalit may pumigil na
kung ano na hindi ko na malaman
Nangangatog habang umiimik
sa pagtanong sa akin
ng ibang kasama ko
Hindi ako masama,
ako'y kabilang
sa napakaraming mahihirap
na may gusto lang na mapala
Ngunit hindi ko ibinigay
ang hinihingi ng pagkaka-taon
Inilaban ko dalawang taon
nang hindi ko binalak na
Tumalon
Dumating ang kalungkutan
sa buhay kong ito
Nawalan na ng panlasa
sa mga bagay na gusto
Aking enerhiya bigla
na lang nagbago
Ako ay binisita
ng malungkot na mundo